YOUTH EMPOWERMENT CAMP 2026 | KABATAANG KATUWANG SA PAG-UNLAD

 


Dalawang araw ng pagkatuto, pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at makabuluhang pagkilos para sa kabataan ng San Juan!

Isinagawa noong Setyembre 10–11, 2026 sa Punta Aguila Resort and Hotel, Brgy. Nagsaulay, San Juan, Batangas, ang Youth Empowerment Camp “Kabataang Katuwang sa Pag-unlad”, isang inisyatiba ng Municipal Cooperative Development Section (MCDS) at Municipal Cooperative Development Council (MCDC), katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO) upang higit pang mapalakas ang kaalaman, kakayahan, leadership, at pakikilahok ng kabataan sa mga usaping may kinalaman sa cooperativism, entrepreneurship, community action, at responsible citizenship

Lubos ang suporta ng Punong Bayan Kgg. ILDEBRANDO D. SALUD, na nagbigay ng inspirasyon at mensahe sa mga kabataan upang patuloy silang maging aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng ating bayan.

Naging mas makabuluhan ang dalawang araw na camp sa pamamagitan ng iba't ibang talakayan, workshops, team-building activities, at group challenges na nagbigay sa mga kabataan ng pagkakataong matuto, makipagtulungan, at maipakita ang kanilang potensyal bilang mga susunod na lider ng komunidad sa pamamagitang ng mga resource speakers mula sa Sangguniang Kabataan Federation, Cooperative Development Authority (CDA), Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development (PCLEDO), Department of Trade and Industry (DTI), Municipal Health Office (MHO), Youth on Mission Philippines Inc., at Philippine Army (16IB Maglilingkod-Batallion 2ID).

Sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa, mas napalawak ang pananaw ng ating mga kabataan para sa mga bagong kaalaman.  Ang camp ay naging pagkakataon upang mabuo ang samahan, tiwala, teamwork, at pagkakaisa ng ating kabataan.

Dahil ang kabataan ay hindi lamang mga lider ng bukas - sila rin ay mga katuwang sa pagbabago ngayon.

Post a Comment

0 Comments