REGULAR FLAG RAISING CEREMONY, PINANGUNAHAN NG HRMO SA SAN JUAN

 


Pinangunahan muli ng Human Resource Management Office (HRMO) ang regular na flag raising ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng administrasyon ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, ngayong Lunes, Setyembre 21, 2026, sa New Covered Court.

Nagpaabot ng pasasalamat si HRMO Ericka Jane Tenoria sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa matagumpay na pagdaraos ng katatapos lamang na Sports Festival nitong nakaraang dalawang linggo. Hinikayat din niya ang lahat na patuloy na makiisa sa mga aktibidad para sa 126th Philippine Civil Service Anniversary, kabilang ang Team Building na nakatakdang isagawa ngayong linggo.

Binati rin niya ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, para sa mga pagkilalang natanggap nito sa katatapos na CALABARZON Tourism Excellence Awards 2026.

Samantala, nagpaabot ng mensahe at pagbati si MAYOR BEEBONG SALUD, na kinatawan ni Municipal Administrator Atty. Hernando Sevilla. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sense of alignment o pagkakaisa sa layunin ng bawat kawani at tanggapan upang maging mas maayos at epektibo ang paghahatid ng serbisyo publiko. 

Bilang pagtatapos ng flag raising ceremony, nagkaloob ang Lokal na Pamahalaan ng tulong pinansyal sa kaanak ng namayapang Barangay Tanod mula sa Brgy. Laiya Aplaya.

Ang nasabing tulong pinansyal ay mula sa insurance benefit, partikular sa consideration amount, na isinulong at pinagsikapang maiproseso ng Pamahalaang Bayan ng San Juan upang maipaabot ang nararapat na tulong sa pamilya ng namayapa.

#OneSanJuan

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments