Nagpaabot ng pasasalamat si HRMO Ericka Jane Tenoria sa mga kawani ng Munisipyo sa patuloy na pakikiisa sa month-long celebration ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.
Naging pagkakataon din ang seremonya upang ipakilala ang San Juan Peace and Development Foundation, Inc., kasama ang mga miyembro nito at mga layunin ng organisasyon.
Samantala, nagpaabot ng mensahe at pagbati si Mayor Beebong Salud sa pamamagitan ni Municipal Administrator Atty. Hernando Sevilla, bilang bahagi ng paggunita at pagkilala sa mga kawani ng pamahalaan.
0 Comments