𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗜𝗟𝗗𝗘𝗕𝗥𝗔𝗡𝗗𝗢 𝗗. 𝗦𝗔𝗟𝗨𝗗, 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘:
Sa lahat ng San Juaneño na may edad 18 taong gulang pataas, lalaki man o babae, mula High School Graduate hanggang College Graduate, inaanyayahan po kayong makilahok sa Local Recruitment Activity sa Setyembre 22, 2026 (Martes), mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, na gaganapin sa 3rd Floor, New Municipal Building, Brgy. Buhaynasapa, San Juan, Batangas.
Naghahanap ang 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁 𝗔𝘀𝗶𝗮 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗦𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 & 𝗔𝗱𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀, 𝗜𝗻𝗰. ng mga kwalipikadong aplikante para sa kanilang mga oportunidad sa trabaho.
Para sa mga interesadong aplikante, mangyaring magdala ng updated Resume o Biodata at sariling ballpen.
Samantala, bukas ang PESO San Juan sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga lokal na kompanyang nangangailangan ng mga kwalipikadong manggagawa upang makatulong sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga San Juaneño.
Maraming salamat po!
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
#PESOSanJuan
0 Comments