Ngayong araw, personal na dumalo ang Alkalde sa MOA Signing ng San Juan Fire Station at San Juan Water Districtpara sa planong pag-install ng mga fire hydrant sa bayan, isang hakbang na naglalayong makatulong sa mas maagap na pagtugon sa mga insidente ng sunog.
Naglaan din ng panahon si MAYOR SALUD upang ipakita ang suporta kay Ginoong Justine Rayos, kinatawan ng San Juan sa Mister and Miss Teen Batangas, bilang bahagi ng pagkilala sa mga kabataang San Juaneño na nagdadala ng pangalan ng bayan sa mga ganitong larangan.
Sa magkakaibang gawain, kapwa makikita ang patuloy na presensya ni Mayor Salud sa mga usaping may kinalaman sa kaligtasan, serbisyo publiko, at pagsuporta sa kabataan at mga kinatawan ng San Juan.
#OneSanJuan #BetterSanJuan
0 Comments