MDRRMC, NAGSAGAWA NG 3RD QUARTERLY MEETING PARA SA MAS PINATIBAY NA KAHANDAAN SA KALAMIDAD

 


Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng 3rd Quarterly Meeting nitong Martes, Setyembre 22, 2026, sa New Municipal Hall, Brgy. Buhaynasapa, San Juan, Batangas, alinsunod sa direktiba ni MDRRMC Chairperson at MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD.

Bilang kinatawan ni MAYOR SALUD, nakibahagi sa pulong si Municipal Administrator Atty. Hernando Sevilla, at MDRRM Officer Noralyn Nera, gayundin ang mga miyembro ng konseho mula sa iba’t ibang sektor at ahensya.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga accomplishment at updates ng konseho, gayundin ang mahahalagang usapin at plano kaugnay ng paghahanda sa tag-ulan at iba pang kalamidad, at pagpapaigting ng sistema ng maagang babala sa iba’t ibang panganib.

Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng mga kinauukulang tanggapan at sektor upang matiyak ang maagap at organisadong pagtugon sa mga banta ng kalamidad at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan ng San Juan.

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments