Malugod na tinanggap at sinuportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, ang mga kalahok sa isinagawang San Juan Sports Athletic Meet na ginanap mula Setyembre 8 hanggang 11, 2026 sa bayan ng San Juan.

 


Isinagawa ang paligsahan sa ilalim ng temang “Lakas, Diwa at Pagkakaisa: Palakasan para sa Malusog at Ligtas na Kinabukasan ng Batangenyong Kabataan,” bilang bahagi ng pagtataguyod sa aktibong pamumuhay, sportsmanship at pagkakaisa ng mga kabataan.

Binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng palakasan sa pagpapaunlad ng disiplina, talento at pisikal na kalusugan ng kabataan, habang nagsisilbing daan upang mapalakas ang kanilang pakikilahok at pagkakaisa sa komunidad.

Sa pamamagitan ng patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa mga gawaing pampalakasan, isinusulong ang isang malusog, ligtas at mas aktibong kinabukasan para sa kabataang San Juaneño.

Post a Comment

0 Comments