Mas maraming San Juaneรฑo ang nabigyan ng pagkakataong makahanap ng trabaho sa isinagawang Local Recruitment Activity (LRA) ng Public Employment Service Office (PESO) noong Setyembre 22–23, 2026 sa New Municipal Hall.
Naging katuwang ng Lokal na Pamahalaan ang Consult Asia Business Solutions & Advisory Services, Inc. at Supervalue Inc. (SM Supermarket) sa paghahatid ng employment opportunities para sa mga kwalipikadong aplikante.
Layunin ng naturang aktibidad na mailapit mismo sa mga residente ang mga job opportunities at mapadali ang proseso ng paghahanap ng trabaho. Sa pamamagitan ng mga lokal na recruitment activity, mas maraming jobseekers ang nagkakaroon ng pagkakataong makilala at ma-assess ng mga naghahanap ng bagong empleyado.
Patuloy namang sinusuportahan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang mga programang nagbibigay ng oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga San Juaneรฑo.
Patuloy rin ang PESO sa pakikipag-ugnayan sa mga pribadong kumpanya upang makapaghatid ng karagdagang employment opportunities sa mga susunod na buwan.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments