Si Haring Sejong ang dakilang hari ng Korea na lumikha ng Hangul, ang alpabetong Koreano, upang mas madaling makabasa at makasulat ang mga tao.
Bilang pagkilala sa kanyang ambag, itinatag ng pamahalaan ng Korea ang King Sejong Institute (KSI) upang ituro ang wikang Koreano at ipakilala ang kultura ng Korea sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaan ng Korea, Hongcheon County, at LGU San Juan, mag-aalok ang KSI ng LIBRENG Korean language classes para sa mga residente ng San Juan.
📚 Libre ang tuition, textbooks at field trips!
📅 Magsisimula sa Setyembre o Oktubre / 16-week course
🎓 Pagkatapos ng kurso, maaaring magpatuloy sa Advanced Korean Class sa susunod na semester.
Napakagandang oportunidad ito para sa mga nagpaplanong mag-apply bilang seasonal worker sa Hongcheon County o magtrabaho sa Korea. Mahalaga ang kaalaman sa Korean language para sa seasonal worker selection at paghahanap ng trabaho sa Korea.
📝 Sino ang maaaring mag-apply?
Residente ng San Juan
18 taong gulang pataas
Walang maximum age limit
👥 Limitado sa 50 estudyante
Dahil limitado ang slots, mas mabuting mag-apply nang maaga!
🇰🇷 Matuto ng Korean nang LIBRE at maghanda para sa bagong oportunidad sa Korea!
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
#KSI
0 Comments