Nag-uwi ng iba't ibang pagkilala ang Bayan ng San Juan sa ginanap na CALABARZON Tourism Excellence Awards 2026 sa Twin Lakes Hotel, Laurel, Batangas nitong Martes. Setyembre 16, 2026.
Nasungkit ng San Juan ang parangal bilang Top 2 Overnight Tourist Arrivals para sa taong 2025. Kinilala rin ang bayan kasama ang SayawJuan San Juan Performing Arts dahil sa naging mahalagang papel ng mga ito sa pagdaraos ng Central Philippines Tourism Expo (CPTEx) 2026.
Pinarangalan din ang Batangas Tourism Officers Association (BATOA), sa ilalim ng pamumuno ni Chief Tourism Operations Officer Elsie Iyas-Sadsad, para sa pagsusulong ng sustainable tourism, kultura, at pamana sa rehiyon. Samantala, ibinigay naman kay Ms. Simonette Virtusio-Gusi, Pangulo ng Municipal Tourism Council at San Juan Resort Owners' Association, ang Director’s Choice Award.
Samantala, kinilala rin bilang isa sa Accredited Partner ng Department of Tourism ang Batangas Province Travel and Tours Association, kung saan nagsisilbing Auditor si G. Gerald Bautista ng G-Reliable Travel & Tours ng San Juan.
Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat ang iniaalay sa likod ng tagumpay na ito nina MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan, at ng buong Sangguniang Bayan. Malaking pasasalamat din ang ipinaaabot sa Municipal Tourism Office, mga katuwang na ahensya at stakeholders sa turismo, sa mga bisita, at sa buong komunidad ng San Juan para sa patuloy na suporta at pakikiisa.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
📸Municipal Information Office/Batangas PIO
0 Comments