Isinagawa ang programang Kilatis Kutis noong Setyembre 16, 2026, ganap na alas-8:00 ng umaga sa Rural Health Unit 1 (Lumang Munisipyo), Poblacion, San Juan, Batangas sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office ng Batangas at Municipal Health Office ng San Juan.
Layunin ng programa na maghatid ng libreng konsultasyon at serbisyong pangkalusugan kaugnay ng mga kondisyon sa balat, gayundin ang pagpapalawak ng kaalaman ng komunidad hinggil sa wastong pangangalaga sa balat at pag-iwas sa mga sakit na maaaring makaapekto sa kalusugan.
Bilang bahagi ng aktibidad, nabigyan din ng konsultasyon at kaukulang gamot ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang makatulong sa pag-iwas sa pagkalat ng mga nakahahawang sakit at mapanatili ang kalusugan ng mga nasa loob ng pasilidad.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Bayan ng San Juan at ng Provincial Health Office ng Batangas ang mga serbisyong pangkalusugan para sa isang mas malusog at ligtas na komunidad.
#MHOSanJuan
#SanJuanBatangas
#KilatisKutis
#MatatagNaBatangas
#SerbisyongPangkalusugan
0 Comments