Pormal nang pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas, kasama ang Bureau of Fire Protection Region IV-A at San Juan Water District (SJWD), ang paglalagay ng mga fire hydrant sa buong bayan matapos ang matagumpay na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) nitong Setyembre 16, 2026, sa New Municipal Hall.
Pinangunahan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang seremonya kasama sina Regional Director FCSUPT Renato Capuz, sa pamamagitan ni Regional Chief of Staff FSSUPT Dennis Molo , San Juan Fire Station OIC SFO4 Emilio Batac, SJWD General Manager Edith Joyce Geba, at Municipal Administrator Atty. Hernando Sevilla. Layon ng estratehikong hakbang na ito na tiyaking may nakalaang sapat at mabilis na mapagkukunan ng tubig ang mga bombero sa oras ng sakuna.
Sa pamamagitan ng direktang koordinasyon ng BFP, SJWD, at ng Lokal na Pamahalaan, inaasahang mas mapapabilis ang pagresponde ng mga bombero sa mga barangay at maiiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian. Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kahandaan sa sunog at matiyak ang kaligtasan ng buong munisipalidad.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga pampublikong ahensya upang bumuo ng isang mas ligtas, mas handa, at mas matatag na bayan para sa bawat pamilyang San Juaneño.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments