Nakibahagi sina MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD at Mayora Gina R. Salud, na may titulong Dignatario Del Pueblo, sa pagdiriwang ng Santacruzan ng Parokya ni San Juan Nepomuceno ngayong Linggo, Setyembre 13, 2026, kasama ang mga deboto at mamamayan ng San Juan.
Higit sa isang tradisyunal na prusisyon, ang Santacruzan ay nagsisilbing pagpapahayag ng pananampalataya at paggunita sa Triumph of the Holy Cross, gayundin ng pagpapahalaga sa mga kaugaliang patuloy na ipinapasa sa mga susunod na henerasyon.
Sa pagdiriwang na ito, muling naipakita ang matibay na pagpapahalaga ng mga San Juaneño sa pananampalataya, kultura, at mga tradisyong patuloy na nagbubuklod sa pamayanan. Sa kabila ng maulang panahon, itinuloy ang pagdiriwang bilang bahagi ng pagpapanatili ng pananampalataya at tradisyong matagal nang bahagi ng buhay ng pamayanan.
0 Comments