ARTA SOUTHERN LUZON, NAGSAGAWA NG ON-SITE INSPECTION SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG SAN JUAN

 


Sumailalim sa on-site inspection ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) Southern Luzon ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa New Municipal Hall nitong Miyerkules, Setyembre 16, 2026. 


Layunin ng inspeksyon na masuri ang pagsunod ng tanggapan sa mga pamantayan ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, kabilang ang maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.


Kabilang sa mga pangunahing usaping sinusuri sa naturang aktibidad ang mga proseso, kinakailangang dokumento, oras ng pagproseso, at iba pang mekanismo sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan. 


Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, ang pakikipag-ugnayan para sa pagsusuri ng ARTA Southern Luzon bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapahusay ang kalidad at kahusayan ng serbisyo publiko.

 

#OneSanJuan

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments