Sinuri ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang progreso ng mga programa at serbisyo sa isinagawang 3rd Quarter Municipal Advisory Council (MAC) Meeting na pinangunahan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD noong Setyembre 17, 2026 sa New Municipal Hall.
Dumalo sa pagpupulong ang mga miyembro ng konseho at partner stakeholders upang talakayin ang mga napagkasunduan at naging hakbang mula sa nakaraang MAC Meeting.
Tinalakay din ang mga update sa mga programa, accomplishments, at mga nakatakdang aktibidad ng mga katuwang na sektor, gayundin ang mga kaugnay na polisiya at plano ng konseho.
Binigyang-pansin naman ang mga isyu at rekomendasyon upang higit na mapahusay ang pagpapatupad ng mga programa at mapalakas ang koordinasyon para sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo sa komunidad.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments