Oath-taking ceremony ng PCDC Officers





Kasama ang iba pang mga opisyal ng konseho, pormal nang nanumpa si Batangas Provincial Cooperative Development Council (PCDC) Vice Chairperson Annalyn Macaraig na mula sa San Juan Municipal Cooperative Development Council (MCDC), sa harap ni GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO, panauhing pandangal, tagapanumpa, at Honorary Chairperson ng PCDC, sa seremonyang inorganisa ng Provincial Cooperative, Livelihood, Enterprise and Development Office o PCLEDO nitong Lunes, May 25, 2026. 

Sumisimbolo ang naturang oath-taking ceremony ng PCDC officers sa mas pinaigting na pagtutulungan ng pamahalaan at mga kooperatiba sa lalawigan upang higit pang mapalakas ang kabuhayan ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng mga kooperatiba, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na magkaroon ng mas matatag na pinagkakakitaan, sapat na suportang pinansyal, at mas malawak na oportunidad para sa pagnenegosyo at pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Matapos ang seremonya, nakipagpulong si PCDC Vice Chairperson Macaraig sa Ina ng Lalawigan para sa patuloy na kooperasyon ng pamahalaang panlalawigan at sektor ng kooperatiba. Nagpasalamat din siya sa walang sawang pagsuporta at pagtulong ng gobernadora sa mga kooperatiba.

Ang PCDC ay isang multi-sectoral na samahan na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor na may layuning paunlarin ang mga kooperatiba sa lalawigan.

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments