Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pagdiriwang ng National Flag Days mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12.
Ang bawat pagwagayway ng ating watawat ay hindi lamang pag-alaala sa kasaysayan, kundi simbolo rin ng buhay na katapangan, sakripisyo, at pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Ang pagdiriwang na ito ay isang paalala sa atin na ang kalayaan ay patuloy na pinagtitibay sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa at pagpapanatili ng diwang makabayan.
Sama-sama nating iwagayway ang ating pagkakaisa at wagas na pagmamahal sa ating bayan!
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments