Naging sentro ng pagkilala at pagpapahalaga ang mga kawaning ina ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa isinagawang Mother’s Day Celebration 2026 kung saan tampok ang iba’t ibang gawaing nagbigay saya at inspirasyon sa mga kalahok nitong Huwebes, Mayo 21, sa New Covered Court.
Dinaluhan ng mga ina mula sa iba’t ibang tanggapan ang buong araw na aktibidad na pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) sa pangangasiwa ni HRMO Ericka Jane Tenoria na naglalayong parangalan ang kanilang mahalagang papel at kilalanin ang kanilang sakripisyo at dedikasyon para sa pamilya at komunidad.
Nakibahagi at nagbigay suporta sa aktibidad si MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD kasama ang Unang Ginang ng Bayan at Samahang Batangueรฑa-San Juan Chapter President Gina R. Salud. Nakiisa rin sina Sangguniang Bayan Members Kon. Shalimar Salud at Kon. Florencio De Chavez.
Nagbahagi rin ng mensahe si GAD Focal Person Princess Christell Mancilla kung saan kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng mga ina sa pamilya at komunidad.
Naging mas masigla ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at palaro na nagbigay saya at pagkakataon para sa pagkakaisa ng mga kalahok.
Naging bahagi rin ng programa ang mga mensahe ng pasasalamat at pagkilala para sa mga ina bilang pagpapahalaga sa kanilang pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon.
Nagtapos ang aktibidad sa isang masayang samahan at pagbibigay-pugay sa mga inang patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang pamilya at komunidad.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments