Kasama ang kanyang mga magulang, kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang natatanging tagumpay ng kabataang San Juaneรฑo na si Aron Noel Magtibay Hernandez matapos magtapos na may mataas na karangalan sa Philippine Science High School – CALABARZON Region Campus sa Batangas City.
Sa pagkilalang isinagawa nitong Lunes ng umaga, ipinahayag ng mga opisyal ng pamahalaang bayan ang kanilang pagbati at suporta kay Hernandez dahil sa kaniyang ipinakitang husay sa larangan ng akademiko at agham na nagbigay karangalan hindi lamang sa kaniyang pamilya kundi maging sa bayan ng San Juan.
Kabilang sa mga natamong pagkilala ni Hernandez ang pagiging consistent director’s lister mula 2020 hanggang 2026; Academic Excellence Award in Chemistry, DOST Secretary Award for Model Science Scholar, Senate Gold Medal for Academic Excellence, at pagkakamit ng pinakamataas na karangalan sa kanilang batch.
Nakapasa rin siya sa ilang kilalang pamantasan sa loob at labas ng bansa para sa kursong may kaugnayan sa engineering, science, at technology, kabilang ang University of the Philippines Diliman, Ateneo de Manila University, De La Salle University, at unibersidad sa Taiwan.
Nagtapos si Hernandez ng elementarya sa San Juan West Central School.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, inspirasyon si Hernandez sa kapwa niya kabataan upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at ipagpatuloy ang pagsusumikap sa kabila ng mga hamon. Binigyang-diin din ng pamahalaan ang kahalagahan ng suporta ng pamilya, paaralan, at komunidad sa paghubog ng mga mag-aaral na may potensyal na magtagumpay sa hinaharap.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments