MASAGANA Rice Industry Development Program (MRIDP)







Pinarangalan ng Department of Agriculture (DA) - CALABARZON ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, nitong Lunes, Mayo 25, dahil sa natatangi nitong tagumpay sa pagpapatupad ng MASAGANA Rice Industry Development Program (MRIDP).

Personal na tinanggap ni Municipal Agriculturist Felix Leopango ang Outstanding Performance Award sa ilalim ng Large-Scale Category para sa 2025 Wet Cropping Season.

Malaki ang naging bahagi ng MAO San Juan sa pagpapalakas ng produksyon ng palay sa rehiyon sa pamamagitan ng kanilang gabay at pakikipagtulungan sa mga lokal na magsasaka.

Ipinapakita sa sertipiko na ang dedikasyon ng tanggapan ay may malaking papel sa pagpapanatili ng sapat na supply ng bigas at sa patuloy na pag-unlad ng industriya ng agrikultura sa rehiyon.

Ang MASAGANA Rice Program ay isang programa ng Pamahalaang Nasyunal na naglalayong itaas ang ani at kita ng mga magsasaka gamit ang mga makabagong teknolohiya at tulong-teknikal.

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments