Matagumpay na naisagawa ang “Grand Opening” ng Rice and Feeds Supply Project ng KAISA Aplaya PAMANA Livelihood Program Association (PLPA) ngayong Huwebes, Mayo 21, sa Brgy. Laiya Aplaya.
Ang pagbubukas ng nasabing proyekto ay kasunod ng “Awarding of Livelihood Assistance” na ipinagkaloob sa KAISA Aplaya PLPA nitong Enero. Ang proyekto ay nakapailalim sa programang Peace and Development – Buong Bansa Mapayapa (PDBBM) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na layuning suportahan ang kabuhayan at pagpapaunlad ng komunidad.
Patuloy namang nakaagapay ang Pamahalaang Bayan ng San Juan sa mga programang nagbibigay ng dagdag kabuhayan at oportunidad sa mga samahan at mamamayan ng bayan.
Nakibahagi sa gawain sina DSWD Project Development Officer May-Ann Cabintay, DSWD-SLP Focal Person Ella Mae Umali, at mga Barangay Functionaries ng Brgy. Laiya Aplaya.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments