Flag Raising Ceremony

 



Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ang regular na flag raising ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ngayong Lunes, Mayo 25, sa New Covered Court.

Sa ulat ni Municipal Agriculturist Felix Leopango, ibinahagi ang mga pangunahing programa, serbisyo, at accomplishments ng kanilang tanggapan kabilang ang Rice Program, High Value Crops Program, Corn Program, Fisheries Program, Livestock Program, Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), insurance claims, at agricultural loan applications.

Ayon sa ulat, mayroong kabuuang 1,910 rice farmers sa bayan na nakapagtala ng 8,915 metric tons na produksyon ng palay. Nasa 1,171 magsasaka naman ang nakatanggap ng iba’t ibang agricultural inputs mula sa pamahalaan.

Sa ilalim naman ng High Value Crops Program, umabot sa 616 farmers ang naging benepisyaryo. Naitala rin ang 4,193 metric tons na produksyon ng gulay at 3,386 metric tons na produksyon ng prutas sa bayan.

Iniulat din na mayroong 170 corn farmers, 2,827 aktibong mangingisda, at 5,627 livestock farmers sa San Juan. Umabot naman sa 5,890 Veterinary Health Certificates at Animal Inspection Certificates ang nailabas ng tanggapan bilang bahagi ng kanilang veterinary at livestock support services.

Samantala, nasa 785 magsasaka ang kasalukuyang nakarehistro sa RSBSA habang 85 magsasaka ang nakatanggap ng insurance claims na nagkakahalaga ng kabuuang P678,038.50 bilang tulong sa kanilang kabuhayan.

Iniulat din na 36 na magsasaka ang kasalukuyang nag-apply para sa mga available agricultural loan program ng pamahalaan upang higit pang masuportahan ang kanilang produksyon at hanapbuhay. Mapapanood ang kabuuang detalye ng ulat sa: https://l1nk.dev/vv2glc7

Sa naturang flag raising ceremony, ipinaalam din na habang nasa official travel ang punongbayan, magsisilbing Acting Municipal Mayor si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan, habang si Konsehal Wenilo Ada naman ang Acting Vice Mayor.

Nagbahagi rin ng makabuluhang mensahe si Sangguniang Bayan Member Kon. Miljun Magadia para sa mga mamamayan at mga kawani ng bawat departamento.

Bilang paghahanda naman sa pagdiriwang ng National Flag Day mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, nagbigay ng paalala si Municipal Planning and Development Coordinator Monalisa Robledo hinggil sa wastong pagtrato at paggamit ng pambansang watawat alinsunod sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Bago matapos ang seremonya, kinilala rin si Aron Noel Hernandez dahil sa kaniyang natatanging husay at talino sa larangan ng akademika.

#OneSanJuan

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments