Cash Relief Assistance o fuel subsidy



Muling pinagkalooban ng ayuda ang mga kwalipikadong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa bayan ng San Juan matapos isagawa ang ikalawang bugso ng pamamahagi ng Cash Relief Assistance o fuel subsidy mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Martes, Mayo 26, sa Evacuation Center, Brgy. Buhaynasapa.

Kabuuang 800 benepisyaryo na miyembro ng TODA ang tumanggap ng partial release ng fuel subsidy sa pangunguna ng mga paymaster mula sa DSWD - Social Welfare and Development Batangas katuwang ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Traffic Enforcer ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan upang masiguro ang maayos na daloy ng payout.

Nakiisa at nagbigay suporta si Bokal Marcus Mendoza at Sangguniang Bayan Member Miljun Magadia.

Bahagi ang naturang subsidiya ng programa ng Pamahalaang Nasyunal na layong makatulong sa mga tsuper na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Nagpatupad din ng kaukulang sistema at seguridad sa lugar upang mapanatili ang kaayusan habang isinasagawa ang distribusyon ng ayuda para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments