Pinangasiwaan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ang isinagawang buwanang pagpupulong para sa mga Pangulo ng Senior Citizens sa mga barangay ngayong Martes, Mayo 26, sa New Municipal Hall.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa apatnapu’t dalawang (42) barangay sa bayan ng San Juan sa pangunguna ni Municipal Federation of Senior Citizens President Regalada Santok.
Dumalo rin sa pagpupulong si 4th District Senior Citizens Federation President Antonio De Castro upang magbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga programang inilaan para sa senior citizens, kabilang ang Social Pension Program. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng programa at ang mga benepisyong maaaring matanggap ng mga kwalipikadong senior citizens upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Nakiisa rin sa aktibidad sina Sangguniang Bayan Members Konsehal Grenalyn Virtusio, LLB, at Konsehal Miljun Magadia bilang suporta sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga nakatatanda.
Layunin ng buwanang pagpupulong na mapagtibay ang ugnayan ng bawat samahan ng senior citizens sa iba’t ibang barangay, maibahagi ang mga programa at serbisyong inilaan para sa kanila, at mapag-usapan ang mga hakbang upang higit pang mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga senior citizen sa komunidad.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments