Mas pinaigting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, katuwang ang Department of Health at Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang kakayahan ng mga kalahok sa emergency response sa isinagawang “Basic Life Support Training” nitong Mayo 27-28 sa New Municipal Hall.
Nakatuon ang pagsasanay sa pagbibigay ng tamang kaalaman at praktikal na kasanayan sa paunang lunas at wastong pagresponde sa mga kritikal na sitwasyon upang makatulong sa pagligtas ng buhay.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng pamahalaang lokal para sa mas ligtas, handa, at matatag na komunidad.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments