Sinimulan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang unang araw ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong taong 2026 sa pamamagitan ng pagdalo sa flag raising ceremony ng Pamahalaang Bayan ng San Juan kung saan nagsilbing host ang Office of the Municipal Mayor.





Sinimulan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang unang araw ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong taong 2026 sa pamamagitan ng pagdalo sa flag raising ceremony ng Pamahalaang Bayan ng San Juan kung saan nagsilbing host ang Office of the Municipal Mayor.

Sa nasabing seremonya, ipinakita ng Ama ng Bayan ang kanyang malasakit at pagbibigay-halaga sa pagkakaisa at serbisyo publiko bilang panimula ng panibagong taon ng pagtatrabaho ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Matapos ang seremonya, agad na nakipagpulong si MAYOR SALUD sa iba’t ibang ahensya at opisina, kapwa lingkod-bayan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan. Tinalakay sa pulong ang mga plano at prayoridad ng pamahalaang lokal upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan at matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan.

Personal ding tinanggap ng punongbayan ang mga bumibisita sa kanyang tanggapan, kabilang ang mga mamamayan at kinatawan ng iba’t ibang sektor. 

Tiniyak naman ni MAYOR BEEBONG na tuloy-tuloy at walang abalang isinasagawa ang mga transaksyon sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan.

Nagsimula na rin ang Business One-Stop Shop sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) katuwang ang iba pang ahensya kabilang ang Office of the Municipal Mayor, Municipal Health Office, Economic Enterprise and Management Office, Municipal Engineering Office, Municipal Tourism Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, Department of Trade and Industry, Bureau of Fire Protection, at Municipal Planning and Development Office, na layong mapabilis at mapadali ang proseso ng pagkuha ng mga permit at lisensya, lalo na para sa mga negosyante at mamumuhunan sa bayan.

#OneSanJuan

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments