Sa diwa ng pananampalataya at panata, inaanyayahan ang buong sambayanan sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno. Mula Disyembre 31, 2025 hanggang Enero 9, 2026, samahan natin ang isa’t isa sa mga banal na gawain; nobena, mga misa, at mga pagbibigay-pugay, bilang paghahanda at pagdiriwang ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa na isinabuhay ng Poong Nazareno.
Nawa’y magsilbi ang kapistahang ito bilang paalala ng matibay na pananampalataya ng bawat Pilipino at ng patuloy na pagtugon sa panawagang sumunod sa Kanyang mga yapak.
#kapistahangpoongnazareno
#SanJuanNepomucenoParish
0 Comments