Dumalo sa seremonya ngayong umaga si MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, na nagbigay ng makabuluhang mensahe para sa lahat ng kawani ng pamahalaang bayan sa pagsisimula ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong bagong taon. Ipinahayag ng punongbayan ang taos-pusong pasasalamat sa mga departamento at empleyado na nagsagawa ng paglilinis nitong nagdaang pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon, kabilang ang MENRO, EEMO, MDRRMO, gayundin ang mga katuwang na pambansang ahensya gaya ng PNP, BJMP, at BFP.
Dumalo rin sa seremonya sina Sangguniang Bayan Members, Konsehal Wenilo Ada at Konsehal Miljun Magadia, na kapwa nagpaabot ng kanilang mainit na pagbati para sa lahat.
Ipinaabot naman ni Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan ang kanyang mensahe sa pamamagitan ni Sangguniang Bayan Secretary Margarito Sevilla, Jr.
Nagbahagi rin ng kani-kanilang mensahe ang mga Department Head. Binigyang-diin naman sa seremonya ang ilang mahahalagang paalala:
- Pagsisimula ngayong araw ng Business One Stop Shop para sa renewal ng mga permit
- Ang nakatakdang Surgical Mission mula Enero 11–14 na pangungunahan ng mga bisita mula sa Estados Unidos o Carolina Mission. Tinatanggap dito ang major at minor operations, at nilinaw na prayoridad ang mga taga-San Juan sa naturang medical mission.
Samantala, pinasaya naman ng mga kawani ng Office of the Municipal Mayor ang mga kapwa lingkod-bayan sa pamamagitan ng kanilang presentasyon.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at patuloy na pagtutulungan, ipinamamalas ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang tunay na diwa ng serbisyong bayan, isang pamahalaang handang maglingkod, magmalasakit, at magbigay ng pag-asa para sa mas maunlad at mas maayos na San Juan.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments