Namahagi nitong Disyembre ang Pamahalaang Bayan ng San Juan ng Productivity Enhancement Incentive (PEI) sa mga Barangay Health Worker (BHW) bilang pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo sa komunidad.





Pinangasiwaan ang pamamahagi ng PEI ng Municipal Treasurer's Office. 
Kabuuang 494 na BHW ang nakatanggap ng insentibo. Ayon sa pamahalaang bayan, layunin ng PEI na mapalakas ang moral at produktibidad ng mga BHW. Patunay ito ng patuloy na pagkilala ng lokal na pamahalaan sa mahalagang papel ng mga BHW sa serbisyong pangkalusugan sa mga barangay ng San Juan.
#OneSanJuan 
#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments