Masiglang sinimulan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang unang araw ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong 2026. Maagang nagtungo ang punongbayan sa munisipyo upang pangunahan ang mga gawain, patunay ng kanyang patuloy na dedikasyon sa serbisyo publiko.

Ayon kay MAYOR SALUD, mahalaga ang maayos na simula ng taon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga programa at proyekto ng pamahalaang bayan.

Kabilang sa mga unang gawain ng punongbayan ang paglagda sa mga mahahalagang dokumento at kinakailangang papeles na may kinalaman sa operasyon ng lokal na pamahalaan. Sinuri rin niya ang mga ulat at transaksiyon mula sa iba’t ibang tanggapan upang matiyak na ang lahat ng proseso ay naaayon sa mga patakaran at nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Tiniyak din ng alkalde ang episyente at maayos na daloy ng trabaho at serbisyo sa LGU San Juan, Batangas sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa mga kawani at pinuno ng tanggapan. 

#OneSanJuan

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments