Joint Humanitarian Entrepreneurship Winter Academy


Isasagawa ngayong January 5-7, 2026 ang Joint Humanitarian Entrepreneurship Winter Academy na pangungunahan ng Batangas State University - The National Engineering University katuwang ang Lingnan University, sa New Municipal Building, Brgy. Buhaynasapa, San Juan, Batangas.

Ang aktibidad ay bahagi ng implementasyon ng Project COAST 2.0 (Cultivating Oyster Aquaculture for Sustainability and Transformation) na naglalayong magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng mga oyster
by-products para sa mga oyster community.

Layunin nitong makatulong sa product development, marketing, at skills training upang mapalakas ang kabuhayan ng mga benepisyaryo.

Bilang panimula ng programa, naganap ngayong araw, January 5, 2026 ang meeting at talakayan sa pagitan ng mga kinatawan ng proyekto at ng mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, kaugnay ng Purpose of Visit at maayos na pagpapatupad ng mga aktibidad.

#OneSanJuan
#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments