Isinagawa ngayong Martes, Enero 6, 2026 ang planning meeting para sa nalalapit na Medical, Surgical, at Dental Mission sa bayan ng San Juan.





Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng Batangas Eastern Academy (BEA/BEC) Batch 1974 sa pakikipagtulungan nina G. at Gng. Rudy at Zaida Mago, na layuning makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng bayan.

Katuwang sa pagpapatupad ng programa ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, kasama ang Rural Health Unit, Dr. Melson Manalo, at San Juan District Hospital, upang masiguro ang maayos at organisadong daloy ng serbisyo.

Tinalakay sa pagpupulong ang iba't ibang aspeto ng operasyon, kabilang ang logistical arrangements, deployment ng medical teams, at koordinasyon sa mga partner organization.

Ang medical, dental at surgical mission ay nakatakdang ganapin mula January 11-14, 2026 sa Gen. Leandro R. Mendoza Memorial Sports Center (Municipal Gymnasium). 

Layunin nitong magbigay ng libreng medical consultations, minor surgical procedures, at dental services sa mga miyembro ng komunidad, partikular sa mga lubos na nangangailangan.

Abangan ang mga susunod na detalye at anunsyo upang hindi mapalampas ang pagkakataong makinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan.

#OneSanJuan

#BetterSanJuan

 

Post a Comment

0 Comments