𝗢𝗦𝗖𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦





Pinangunahan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang isang pagpupulong hinggil sa mga alituntunin o guidelines para sa nalalapit na Barangay President Election ng mga senior citizen. Dumalo sa aktibidad ang 42 barangay presidents kasama ang federation president na si Gng. Amor Ramos, ngayong Miyerkules, Enero 7, 2026, sa New Municipal Building.

Layunin ng pagpupulong na ipaliwanag at linawin ang mga patakaran sa pagsasagawa ng kanilang eleksyon upang matiyak ang maayos, tapat, at organisadong proseso. Tinalakay dito ang iskedyul ng halalan, mga kwalipikasyon ng mga kandidato, at mga responsibilidad ng mga opisyal na mangangasiwa sa eleksyon.

Ayon sa napagkasunduan, isasagawa ang Barangay President Election ng senior citizens mula Enero 13 hanggang 20, 2026, at gaganapin ito sa kani-kanilang barangay. 

Hinihikayat ng mga opisyal ang aktibong pakikilahok ng mga senior citizen upang masiguro ang kanilang representasyon at ang pagpapatuloy ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng nakatatanda sa komunidad.

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments