Isinagawa ang ikaapat na quarterly meeting na dinaluhan ng mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Local Council for the Protection of Children (LCPC), at Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), Disyembre 23, 2025, sa ABC Hall ng New Municipal Building.
Layunin ng pagpupulong na ito ang masusing pagsusuri ng mga programa at aktibidad ng bawat konseho, gayundin ang pagbibigay-daan sa mas matibay na ugnayan at pagtutulungan ng bawat kasapi sa pagsusulong ng kapakanan ng kani-kanilang sektor sa lokal na pamahalaan.
Sentro ng pulong ang mga natamong tagumpay ng bawat ahensya para sa ikaapat na quarter ng 2025 at sa buong taon sa pangkalahatan.
Ang naturang pulong ay magsisilbing mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapatatag ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa mga adbokasiya laban sa droga, pang-aabuso, at karahasan sa kababaihan at kabataan sa bayan ng San Juan.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments