๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—˜๐—ง ๐——๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ง๐—œ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก & ๐—œ๐—ก๐——๐—”๐—ž ๐—Ÿ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ




Muling nasaksihan ng mga turista, bisita, at pamilyang San Juaneรฑo ang sigla, kulay, at diwa ng pagkakaisa sa pagdiriwang ng 177th Founding Anniversary at Lambayok Festival 2025 ng Munisipalidad ng San Juan, Batangas.

Sa bawat tugtog, bawat sayaw, at bawat ngiti ng mga San Juaneรฑo, bida ang mayamang kultura, sining, at tradisyon na patuloy na ipinagmamalaki ng bayan.

Isa sa highlight na aktibidad ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, ang pinakahihintay na Indak Lambayok Dance Showdown tampok ang makukulay na kasuotan, masisiglang galaw, at malikhaing kwento ng ating kasaysayan, industriya, at kultura.

Higit pa sa isang pagtatanghal, ang Indak Lambayok 2025 ay isang pahayag ng pagkakaisa at pagmamalaki, patunay na patuloy ang masigla at buhay na sining at identidad ng mga San Juaneรฑo.

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan 

#JuanderfulSanJuan 

#LambayokFestival


Post a Comment

0 Comments