Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang “Pugay Tagumpay” ngayong Martes, January 6, 2026, sa Municipal Gymnasium.
Layunin ng pagtitipon na ipagdiwang ang mga 4Ps household na nakamit ang self-sufficient status
Sa ilalim ng RA 11310, o ang 4Ps Act, mahalagang bahagi ng programa ang exit mula sa 4Ps sa pamamagitan ng Kilos Unlad, isang Seven-Year Social Case Management Strategy. Nilalayon nito na mapaunlad ang kabuhayan ng mga 4Ps household sa pamamagitan ng angkop na interbensyon batay sa tamang pagsusuri ng kanilang pangangailangan, upang mabawasan ang kahinaan at mapanatili ang katatagan ng pamilya.
Sa kasalukuyan, ang bayan ng San Juan ay may 1,073 active 4Ps households, na binubuo ng 3,054 kababaihan at 315 kalalakihan. Lahat ng ito ay patuloy na tumatanggap ng gabay at suporta upang makamit ang mas maunlad na pamumuhay. Batay sa 2024 Social Welfare and Development Indicators (SWDI), lahat ng 1,073 households ay naitala bilang Self-Sufficient sa Level 3, kaya’t sila ay kabilang sa listahan ng mga potensyal na graduates ng programa.
Ang Pugay Tagumpay ay nagbibigay-parangal sa mga 4Ps household na nagpakita ng kakayahang mapanatili ang kaayusan ng kanilang pamilya, at itinuturing nang handa para sa program exit.
Sa tulong ng programa at ng mga katuwang nito, mula sa pambansang ahensya, lokal na pamahalaan, hanggang sa civil society organizations, napagtagumpayan ng mga pamilya ang iba't ibang hamon, kabilang ang pinsalang dulot ng mga bagyo, at nanatiling self-sufficient.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad sina MSWD Officer Arnold Enriquez,
Municipal Councilor Shalimar Salud sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, Municipal Councilor Miljun Magadia, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments