𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗧𝗢𝗣 𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗡𝗘𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧𝗦, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗔


𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗢𝗡𝗘-𝗦𝗧𝗢𝗣 𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗡𝗘𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧𝗦, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗔

Pormal nang sinimulan ngayong Lunes, January 5, 2026, ang Business One-Stop Shop (BOSS) para sa renewal ng business permits sa New Municipal Building, Brgy. Buhaynasapa, na bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at tatagal hanggang January 20, 2026.

Layunin ng programang ito ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD na mapabilis at mapadali ang proseso ng pagre-renew ng mga permit, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang tanggapan sa iisang lugar upang mas maging maginhawa at organisado ang serbisyo para sa mga negosyante.

Ayon kay Business Permit and Licensing Officer Rancy Geba, opisyal nang nagsimula ngayong araw ang Business One-Stop Shop at ang renewal ng mga permit. Inanunsyo ito ng BPLO sa isinagawang flag raising ceremony ngayong umaga, kung saan hinikayat niya ang publiko, lalo na ang mga negosyante, na agad mag-renew ng kanilang mga permit upang maiwasan ang anumang penalty.

Kalahok sa Business One-Stop Shop ang mga sumusunod na tanggapan at ahensya: Department of Trade and Industry (DTI), Office of the Municipal Mayor, Municipal Tourism Office, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Engineering Office, Municipal Health Office, Municipal Planning and Development Office (MPDO), Economic Enterprise and Management Office (EEMO), at Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Hinihikayat ang lahat ng negosyante na samantalahin ang pagkakataong ito at mag-renew ng kanilang permits nang mas maaga upang maiwasan ang multa at masiguro ang maayos at legal na operasyon ng kanilang negosyo. Patuloy naman ang Pamahalaang Bayan ng San Juan sa paghahatid ng serbisyong mabilis, maayos, at may malasakit para sa lahat.

#OneSanJuan
#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments