Ang mga selebrasyon nitong mga nagdaang araw, kabilang ang mga aktibidad sa Annual Fruit Parks, ay nag-iwan ng bakas sa pamilihan: nagkalat na mga kahon ng prutas, plastik, at iba pang basura, tanda ng abalang pamilihan nitong holiday season. Dahil dito, naging mahalaga ang agarang pagkilos upang maibalik ang kaayusan at kalinisan sa lugar.

Bilang tugon, isinagawa ang Annual Post-Holiday Market Clean-Up sa pangunguna ng Economic Enterprise and Management Office (EEMO) ng LGU San Juan, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at TMD. Pinangunahan ng mga kawani ang paglilinis, wastong segregasyon ng basura, at pag-alis ng mga naiwang kalat upang masiguro ang kaligtasan at kalinisan ng pamilihang bayan.

Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang ganitong inisyatiba hindi lamang upang mapanatili ang kaayusan matapos ang malalaking okasyon, kundi upang maprotektahan din ang kalusugan ng mga mamimili at tindera, at mapangalagaan ang kapaligiran. Patuloy rin ang panawagan sa publiko na makiisa sa responsableng pagtatapon ng basura, lalo na sa panahon ng malalaking pagdiriwang

#OneSanJuan

#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments