TINGNAN: Pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Rodolfo D. Metrillo Jr., Operations PNCO, ang isang dayalogo kasama ang mga kabataan sa Brgy. Putingbuhangin, San Juan, Batangas upang magbigay ng paalala hinggil sa ipinagbabawal na open mufflers at ang kahalagahan ng pag-iwas sa anumang ilegal na gawain.
Layunin ng aktibidad na ito na itaguyod ang disiplina, kaligtasan sa kalsada, at responsableng pag-uugali ng kabataan, gayundin ang mas pinagtibay na ugnayan ng pulisya at komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa San Juan, Batangas.
#BagongPNPparasaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman
#SaBagongPilipinasAngGustongPulisLigtasKa
#ToServeandProtect
0 Comments