San Juan, Batangas – Nagpaalala ang San Juan Municipal Police Station sa pamumuno ni Chief of Police PLTCOL CRISPIN K BANES sa lahat ng motorista at pedestrian na maging mas maingat sa kalsada matapos maitala ang araw-araw na insidente ng road crash accidents sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
Ayon sa PNP San Juan, karamihan sa mga aksidente ay may kinalaman sa overspeeding, kawalan ng disiplina sa kalsada, pagmamaneho nang lasing o antok, at hindi pagsunod sa traffic rules. Dahil dito, hinihikayat ang publiko na sumunod sa itinakdang speed limit, magsuot ng helmet at seatbelt, iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, at magbigay-daan sa mga pedestrian at kapwa motorista.
Dagdag pa ng pulisya, mahalagang maging alerto lalo na sa mga mataong lugar, kurbadang kalsada, at sa oras ng rush hour upang maiwasan ang disgrasya.
Patuloy ang PNP San Juan sa pagpapatupad ng traffic safety measures at police visibility bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa ligtas at maayos na daloy ng trapiko sa bayan.
Muling pinaalalahanan ng PNP San Juan ang publiko na ang kaligtasan sa kalsada ay responsibilidad ng bawat isa. ###
#SanJuanMPS
Authority : PLTCOL CRISPIN K BANES
Chief of Police
Thru : PMAJ ERNESTO R CHAVEZ
Deputy Chief of Police
Telephone & Fax No. : (043) 575 4602
Hotline No. : 0915 385 0205 (Globe) / 0998 598 5701 (Smart)
Email Address : bppo_sanjuanmps@yahoo.com.ph
0 Comments