PAALALA NG DILG PARA SA LIGTAS NA PAGSALUBONG SA 2026






Habang masaya nating sinasalubong ang Bagong Taon, inuuna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kaligtasan ng bawat pamilya at komunidad. Paalala po sa lahat na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit, pagbebenta, at pamamahagi ng mga iligal na paputok dahil sa seryosong panganib na dulot nito, kabilang ang sunog at malubhang pinsala sa katawan.
Sa halip na ilagay sa alanganin ang ating mga mahal sa buhay, hinihikayat ang publiko na gumamit ng ligtas na alternatibong pampaingay o makilahok sa mga fireworks display na isinasagawa at binabantayan ng inyong lokal na pamahalaan.
Sama-sama nating salubungin ang 2026 nang may disiplina, malasakit, at pananagutan sa isa’t isa. Isang ligtas na Bagong Taon para sa lahat.
Narito ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok (Mula sa NCRPO): https://tinyurl.com/57pr8ube
#DILGNatin

Post a Comment

0 Comments