Sa pagdiriwang ng Bagong Taon, mahalagang unahin natin ang kaligtasan ng ating pamilya at buong komunidad. Ang ating mga barangay ang nagsisilbing unang linya ng proteksyon sa bawat lugar, kaya’t hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government ang lahat na makipagtulungan at sumunod sa mga ordinansang ipinatutupad ng inyong mga opisyal ng barangay para sa kaayusan at seguridad.
Aktibong nakikipag-ugnayan ang mga barangay sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection upang maiwasan ang sunog, disgrasya, at iba pang insidente, at upang matiyak na ligtas at maayos ang pagdiriwang sa bawat tahanan.
Sama-sama nating salubungin ang 2026 nang may disiplina, malasakit, at pananagutan sa isa’t isa. Isang ligtas na Bagong Taon para sa lahat.
#DILGNatin
0 Comments