Ngayong darating na kapaskuhan, ugaliing suriin ang mga binibiling pampailaw gaya ng Christmas lights upang makaiwas sa mga posibleng sanhi ng sunog.
🌟 Gumamit lamang ng mga electric decorations na aprobado ng DTI. Palaging tingnan kung may tunay na ICC sticker ang inyong bibilhing gamit.
🌟 Siguraduhing akma sa lokasyon na paglalagyan ang dekorasyong gagamitin panlabas man o panloob ng tahanan.
🌟 Palagiang patayin ang mga pailaw kapag matutulog o aalis ng bahay. Karamihan sa sanhi ng sunog ay mga napabayaang dekorasyon.
🌟 Panatilihing malayo sa abot ng mga bata ang mga saksakan ng pailaw. Itabi ang mga maliliit na ilaw at palamuti upang hindi maabot ng mga bata.
🌟 Huwag manigarilyo o maglagay ng ash tray o kandila malapit sa mga Christmas tree, kurtina at iba pang palamuti.
🌟 Ilayo ang mga madaling masunog na bagay gaya ng kurtina, papel at iba pa sa mga saksakan at pailaw. Lahat ng mga pailaw na hindi gawa sa LED ay naglalabas ng init na maaaring pagmulan ng apoy.
🌟 Huwag mag-overload sa mga saksakan at extension cords.
Halaw mula sa Bureau of Fire Protection
Mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, isang ligtas, payapa at maligayang kapaskuhan sa ating lahat!
#DILGNatin
0 Comments