Isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang kanilang 4th Quarter Meeting para sa taong 2025 sa pangunguna ng MDRRMO ng LGU San Juan.
Isa sa mga pangunahing punto ng pulong ang pagtalakay sa paglalabas ng Executive Order para sa pagbuo ng Local Disaster Risk Reduction and Management Planning Team.
Ang naturang grupo ang mangunguna sa pagbuo, pag-update, at integrasyon ng LDRRM Plan upang masiguro ang pagkakatugma nito sa National DRRM Framework at iba pang development plans.
Binibigyang-diin din ang whole-of-government at whole-of-society approach sa pamamagitan ng partisipasyon ng mga tanggapan ng LGU, uniformed services, civil society organizations, at iba pang stakeholders.
Tinalakay rin ng konseho ang paglikha ng LDRRMP Monitoring and Evaluation (M&E) Team sa pamamagitan ng isang Executive Order upang mapalakas ang monitoring, transparency, at pagsusuri sa mga programang DRRM.
Kasabay nito, inilahad ang utilization status ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) para sa CY 2025, kabilang ang alokasyon para sa prevention, preparedness, response, at rehabilitation.
Bukod dito, ipinresenta ang kalagayan ng mga LDRRMF-funded infrastructure projects gaya ng flood control structures, na may diin sa pagsunod sa resilient at ligtas na disenyo.
Inilahad din ang accomplishment report ng MDRRMO para sa buong taon.
Sa iba pang usapin, tinalakay ang pinaigting na paghahanda para sa Kapaskuhan, kabilang ang fire prevention measures, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa ilegal at mapanganib na paputok.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments