𝗣𝗔𝗪𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 |






Matagumpay na na-release ang 𝟳𝟱 Olive Ridley hatchlings sa dagat sa Brgy. Ticalan, San Juan, Batangas, na isinagawa noong Disyembre 26, 2025.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan na maprotektahan at mapanatili ang ligtas na nesting grounds ng mga pawikan, na mahalagang bahagi ng ating marine ecosystem.
Ang gawain ay pinangunahan ng LGU San Juan Batangas sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), katuwang ang iba’t ibang ahensya, institusyon, at mga boluntaryo upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbabalik ng mga hatchlings sa kanilang natural na tirahan.
Sa pakikipagtulungan ng mga sumusunod:
- San Juan Batangas Eagles Club
- Philippine Coast Guard – San Juan
- Brgy. Ticalan Officials
- Brgy. Buhay na Sapa Officials
- Tipas Elementary School
- Tipas Integrated National High School (School Paper Adviser)
- Volunteers
Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi rin ng bigas ang SJBEC bilang pasasalamat at suporta sa mga nagbabantay at boluntaryong nangangalaga sa mga pawikan sa barangay.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at patuloy na conservation efforts, layunin ng lokal na pamahalaan na maprotektahan ang ating mga marine species at mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating karagatan.
Para sa higit pang updates tungkol sa ating mga pawikan, siguraduhing naka-follow sa page na ito.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa amin sa pamamagitan ng pag-message dito sa page.

Post a Comment

0 Comments