𝗦𝗞 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗖𝗔𝗧𝗠𝗢𝗡






Nagsagawa ang Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan-San Juan ng outreach program sa Brgy. Catmon nitong weekend na naglalayong maghatid ng tulong at kasiyahan sa mga residente, partikular sa mga bata sa lugar. 
Umabot sa 200 benepisyaryo ang nakinabang sa programa na nakatuon sa pagpapasaya at pagbibigay-suporta sa komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng San Juan, Batangas, na layuning makapaghatid ng ngiti at positibong karanasan sa mga bata sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga kabataang lider.
Nagbigay naman ng buong suporta ang Local Youth Development Office–OMM ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pagsasakatuparan ng outreach program, na tumulong sa maayos na koordinasyon at implementasyon ng aktibidad. Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang ganitong mga programa upang mapalakas ang kapakanan at moral ng mga kabataan sa komunidad.
Dumalo at nanguna sa aktibidad si SK Federation President Jeryk Dwight Rafhael Bait, na binigyang-diin ang kahalagahan ng mga programang naglalayong maghatid ng saya at pag-asa sa mga bata bilang bahagi ng pagbuo ng isang mas maalagang pamayanan.
#OneSanJuan 
#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments