𝗣𝗔𝗪𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘






Matagumpay na na-release ang 𝟮𝟵𝟵 Olive Ridley hatchlings sa dagat sa Brgy. Putingbuhangin, San Juan, Batangas, na isinagawa noong Disyembre 26, 2025.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng LGU San Juan Batangas na mapanatili ang ligtas at malusog na nesting grounds para sa ating mga pawikan, na mahalagang bahagi ng marine ecosystem.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng LGU San Juan sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), katuwang ang iba’t ibang ahensya at sektor, upang matiyak ang maayos at ligtas na pagbabalik ng mga hatchlings sa kanilang natural na tirahan.
Sa pakikipagtulungan ng mga sumusunod:
- 512th PCGA Squadron
- Coast Guard Sub-Station (CGSS) San Juan
- Brgy. Putingbuhangin Functionaries
- Batangas State University – San Juan Campus
- Philippine Manufacturing Company of Murata, Inc. (Dir. Mitsuki Notsu)
- Local Tourists
Sa pamamagitan ng patuloy na conservation efforts at multi-sectoral cooperation, layunin ng lokal na pamahalaan na maprotektahan ang mga marine species at mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating karagatan.
Para sa higit pang updates tungkol sa ating mga pawikan, siguraduhing naka-follow sa page na ito.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa amin sa pamamagitan ng pag-message dito sa page.

Post a Comment

0 Comments