Sa paggunita ng Undas 2025, buong puwersa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas, sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan at Sangguniang Bayan Members, kasama ang iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan, at mga civil society organizations at volunteer groups, sa pagsiguro ng kaligtasan, kaayusan, at kapanatagan ng bawat San Juaneño at bisitang dadalaw sa mga sementeryo sa bayan.
Kabilang sa mga nasa assistance desk ngayong umaga sina Sangguniang Bayan Members, Councilor Shalimar Salud, Councilor Miljun Magadia, Councilor Owen Manimtim, at Samahang Batangueña.
Samantala, nananawagan naman ang LGU sa lahat ng bibisita na panatilihin ang disiplina at kalinisan sa mga sementeryo. Mahigpit din ang paalala ng awtoridad na sundin ang mga ipinatutupad na patakaran gaya ng pagbabawal sa pagdadala ng mga alak, matutulis na bagay, malalakas na sound system, at anumang maaaring magdulot ng abala o panganib sa kapwa. Paalala rin sa mga bata at nakatatanda na mag-ingat at laging manatili sa piling ng kanilang mga kasama.
Para sa anumang emergency, makipag-ugnayan sa:
San Juan Municipal Police Station: 09153850205 / 09985985701
Mdrrmo San Juan Batangas: 09150936095
09288918411 (Buhaynasapa ERU)
09288918440 (Laiya ERU)
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
#LigtasUndas2025
0 Comments