Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan at Sangguniang Bayan Members, sa buong sambayanan sa paggunita ng UNDAS 2025.

Sa panahong ito ng pag-alala, ating ginugunita at binibigyang-halaga ang buhay at alaala ng ating mga mahal sa buhay na pumanaw na. Nawa’y magsilbi itong pagkakataon upang tayo manalangin para sa kapayapaan ng kanilang kaluluwa, at magbalik-tanaw sa mga alaala ng pagmamahal, kabutihan, at mga aral na kanilang iniwan sa atin. 
Sa pagdalaw natin sa mga sementeryo, nawa’y ating mapanatili ang katahimikan, kaayusan, at kalinisan bilang tanda ng ating paggalang.
Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang bawat mamamayan na makiisa sa mapayapa at ligtas na paggunita ng Undas 2025. 
#OneSanJuan 
#BetterSanJuan 
#LigtasUndas2025

Post a Comment

0 Comments