Buong puwersa pa ring nakatutok ang LGU San Juan, national government agencies sa pangunguna ng San Juan Municipal Police Station kasama si OIC Chief of Police PLTCOL Crispin Banes, Sangguniang Barangay ng Laiya Ibabao, at civil society organizations/volunteer groups kasama ang CGTII, sa nakatalagang assistance o help desks sa Brgy. Laiya Ibabao kung saan matatagpuan ang Tierra Sagrada (private cemetery) at pampublikong sementeryo.
Sa paggunita ng Undas 2025, buong puwersa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas, sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan at Sangguniang Bayan Members, kasama ang iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan sa pangunguna ng San Juan Municipal Police Station, at mga civil society organizations at volunteer groups sa pagsiguro ng kaligtasan, kaayusan, at kapanatagan ng bawat San Juaneño at bisitang dadalaw sa mga sementeryo sa bayan.
Nananawagan naman ang LGU sa lahat ng bibisita na panatilihin ang disiplina at kalinisan sa mga sementeryo. Mahigpit din ang paalala ng awtoridad na sundin ang mga ipinatutupad na patakaran gaya ng pagbabawal sa pagdadala ng mga alak, matutulis na bagay, malalakas na sound system, at anumang maaaring magdulot ng abala o panganib sa kapwa. Paalala rin sa mga bata at nakatatanda na mag-ingat at laging manatili sa piling ng kanilang mga kasama.
Para sa anumang emergency, makipag-ugnayan sa:
San Juan Municipal Police Station: 09153850205 / 09985985701
Mdrrmo San Juan Batangas: 09150936095
09288918411 (Buhaynasapa ERU)
09288918440 (Laiya ERU)
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
#LigtasUndas2025
0 Comments